Areté: Pagpapahalaga sa Pang-araw-araw na Pamumuhay (For Kinder to Grade 6)

Textbook Series Description

Ang Arete: Pagpapahalaga sa Pang-araw-araw ng Pamumuhay (salin sa Filipino ng Arete: Values for Everyday Living) ay isang serye ng mga aklat sa Edukasyon sa Pagpapahalaga mula Prep hanggang Ikaanim na Baitang. Ito ay maingat na idinisenyo upang matulungan ang mga bata na matamo ang mga pundamental na pagpapahalaga sa buhay.

Ito ay naglalayong linangin sa mga mag-aaral ang pagpapahalaga sa sarili bilang katangi-tanging nilalang na nagtataglay ng maraming kakayahan at talento. Bukod dito, tinutulungan din sila na ipamulat ang kaugnayan sa pamilya, sa ibang tao, at sa Diyos.

Ang mga pagpapahalaga ay mga pamantayang gabay sa pag-aninaw sa tama at mali, at kung ano ang angkop. Ang edukasyon sa pagpapahalaga ay pinagsanib na responsibilidad ng tahanan, paaralan, at lipunan. Ang lahat ay dapat magbahagi sa paghubog ng mga bata upang lalo pang maging mabubuting nilalang.

Product Specifications
MGA MAY AKDA

Ms. Lowina C. Fernando, MA Cand.
Ms. Myrna C. Lutaos
Ms. Nora T. Cruz, Ph.D.
Ms. Ma. Desiree D. Gallano MA
Ms. Grace T. Lansangan, MA
Mr. Oliver G. Meneses, MA

SUKAT NG AKLAT 8.0’’ x 10.5’’
BILANG NG PAHINA Prep - 256, Gr. 1- 272 , Gr.2 - 272,
Gr. 3 - 224, Gr. 4 - 224, Gr. 5 - 224,
Gr. 6 - 224
PATNUGOT Gng. Luisa Macalalad
NAGSALIN Gng. Gregorio M. Radillo
Gng. Mario L. Tolentino
TAON NG PAGKAKALATHALA 2019
TAON NG PAGSALIN 2020

 

Gabay Sa Pagtuturo

Ang seryeng ito ay nagtataglay rin ng Gabay sa Pagtuturo upang mabigyan ng magandang direksyon ang metodolohiya ng guro sa pagtuturo ng mga aralin. Ito ay mga saklaw ng nilalaman ng Gabay sa Pagtuturo na nakatugma sa pagkakasunod-sunod ng mga aralin sa teksbuk.

Textbook Outline

PREP

Yunit I Isang Magandang Daigdig
Yunit II Ang Mga Tao Sa Aking Paligid
Yunit III Paggawa Kung Ano Ang Tama
Yunit IV Pananalig Sa Diyos

GRADE 1

Yunit I Ang Aking Kapaligiran at Ako
Yunit II Ang Aking Pamilya at Mga Kaibigan
Yunit III Ang Maganda Kong Buhay
Yunit IV Ang Aking Mga Tungkulin sa Diyos at sa Kapwa

GRADE 2

Yunit I Pagbibigay-halaga sa Buhay
Yunit II Pagmamahal sa Ating Pamilya
Yunit III Pinakamagaling Kong Magagawa
Yunit IV Pagkakaroon ng Pananalig sa Diyos

GRADE 3

Yunit I Pagbibigay-halaga sa mga Biyaya ng Diyos
Yunit II Pagmamahal sa Kapwa
Yunit III Paggawa ng Tamang Bagay
Yunit IV Pagkakaroon ng Pananalig sa Diyos

GRADE 4

Yunit I Ang Nasa Aking Paligid
Yunit II Mahal Ko ang Aking Pamilya at Pamayanan
Yunit III Kung Paano Ko Nakikita ang Aking Sarili
Yunit IV Ang Umiimpluwensiya sa Akin

GRADE 5

Yunit I Pangangalaga sa mga Kaloob ng Diyos
Yunit II Paglilingkod sa Kapwa
Yunit III Pagpili sa Kung Ano ang Tama
Unit IV Pagtiwala sa Diyos

GRADE 6

Yunit I Paglingap sa Buhay
Yunit II Paglilingkod sa Kapwa
Yunit III Wastong Paggawa ng Tama
Yunit IV Pagtitiwala sa Diyos