Ang Areté ay salitang Griyego na nangangahulugan “Kagalingan sa kahit anong bagay.” Nangangahulugan din itong “moral na birtud.” Ang dalawang kahulugang ito ay nagpapahiwatig na ang kahusayan ay may malapit na kaugnayan sa pamumuhay na moral.
Ang Areté: Tungo sa Marapat na Pagkilos ng Kapilipinuhan ay serye na batayang-aklat na tumutugon sa pagtuturo sa kabataan at pumupukaw upang sila ay mamuhay ng may kahusayan at kabutihan. Ang mga aralin sa seryeng ito ay nakasunod sa balangkas V.I.R.T.U.E. Ang balangkas na ito ay may layuning matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang mabubuting gawin nang sa gayon ay mahikayat silang isabuhay ang mga birtud.
TAGUMPAY NG BUHAY Ang bahaging ito ay nagpapasimula ng aralin. Nagbibigay ito ng halimbawa ng pananagumpay ng buhay sa pamamagitan ng pagpapakita kung paanong ang mga birtud ay tunay naisasabuhay.
PAG-ALABIN Ang bahaging ito ay nagpapalawak sa karanasan ng tao sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga tagumpay sa buhay. MULING TUKLASIN Sa bahaging ito, ipinaliliwanag ang mga teorya at nilalaman ng aralin. Ang lahat ng paksa ay nakabatay sa pinakahuling kurikulum ng DepEd Values Education.
ALAMIN Naglalaman ito ng mga impormasyon tungkol sa birtud.
PAGPAPALAGO SA MGA NAPAGTANTO Ang bahaging ito ay nagbibigay ng mungkahi kung paano magagamit ang birtud sa pang-araw-araw na buhay.
PAKIKISANGKOT Sinasaklaw nito ang produkto at pagtatayangpagsasagawa (performance-based assessment) upang mapalalim ang aralin.Naglalaman din ito ng mga kalagayang dapat suriin at iba pang panukat ng natutuhan (formative measurement).
LAGOM Naglalaman ito ng pinakamatingkad na paksa na naglalagom sa aralin.
MGA MAY AKDA | Bb. Fides A. Del Castillo, G. Clarence Darro B. Del Castillo, G. Gil M. Ramos Bb. Tricia M. Castro |
SUKAT NG AKLAT | 8.0’’ x 10.5’’ |
BILANG NG PAHINA | Gr. 7 - 192, Gr. 8 - 208, Gr. 9 - 186, Gr. 10 -192 |
PATNUGOT | Gng. Luisa G. Macalalad |
NAGSALIN | Bb. Cristina D. Macascas |
YEAR OF PUBLICATION | 2015 |
Ang seryeng ito ay nagtataglay rin ng Gabay sa Pagtuturo upang mabigyan ng magandang direksyon ang metodolohiya ng guro sa pagtuturo ng mga aralin. Ito ay mga saklaw ng nilalaman ng Gabay sa Pagtuturo na nakatugma sa pagkakasunod-sunod ng mga aralin sa teksbuk.
GRADE 7
Yunit I Pagbibinata at Pagdadalaga
Yunit II Pagiging Totoong Tao
Yunit III Mula sa Mabuting Sistema ng Pagpapahalaga Tungo sa Mabuting Pamumuhay
Yunit IV Pagkilatis Tungo sa Kapunuan ng Buhay
GRADE 8
Yunit I Pagpapahalaga sa Regalo ng Pamilya
Yunit II Pakikitungo sa Iba
Yunit III Mga Birtud sa Pakikipagugnayan
Yunit IV Pakikipamuhay sa Komunidad ng mga Tao
GRADE 9
Yunit I Pakikipamuhay sa Komunidad ng mga Tao
Yunit II Mabuting Pagkamamamayan at Aking Tungkulin
Yunit III Mga Birtud sa Paggawa, Mga Tagapamagitan para sa Tagumpay
Yunit IV Pagpaplano ng Karera: Kasiyahan ng Mangyayari
GRADE 10
Yunit I Ang Tao Bilang Nilalang na May Moral
Yunit II Pantaong Kilos, Tao Bilang Moral na Tema o Paksa
Yunit III Mula sa Nabubuhay na Nilalang Tungo sa Mapagmahal na Nilalang
Yunit IV Ang Sarili Kong Paninindigan sa mga Isyung Moral