Panitikan (Ibang Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere, El Filibusterismo)

PAGLALARAWAN NG SERYE

SERYE PARA SA MATAAS NA PAARALAN Ang mga akdang sumusunod ay hinabi sa wikang pinagyamang Filipino at isinalin sa Ingles upang pumalaot ang mga taglay na marikit na karunungan sa pandaigdigang panitikan.

DETALYADONG PALIWANAG TUNGKOL SA AKLAT
MGA MAY-AKDA

G. Virgilio S. Almario
Gng. Soledad L. Locsin
G. Mario L. Tolentino
Bb. Raquel B. Tesorero
Gng. Aurora E. Batnag
G. Gregorio M. Rodillo

SUKAT NG AKLAT 6.75” x 9.75”
BILANG NG PAHINA Ibong Adarna - 358
Florante at Laura - 200
Noli Me Tangere - 810
El Filibusterismo - 553
PATNUGOT Gng. Ma. Luisa G. Macalalad
TAON NG PAGKAKALATHALA 2010

 

Gabay Sa Pagtuturo

Kalakip ng mga aklat na ito ay ang Gabay sa Pagtuturo na makatutulong sa mga guro sa paghahanda ng kanilang aralin. Ang mga gabay na ito ay nagbibigay ng mga mungkahi kung paano matatalakay ang mga aralin, at mga inaasahang sagot sa mga tanong sa pagtalakay.

Si Don Juan At Ang Ibong Adarna With English Verson

Iisa ang tunguhin ng guro at mag-aaral sa aklat na ito. Palagi tayong naghahangad ng lalong makabubuti para sa ating pag-unlad. Iniisip natin ang higit na makagagaling at makatutulong sa atin. Higit sa lahat ay kung ano ang kailangan ng guro at ng mag-aaral. Sinikap ng aklat na ito na tugunan ang mga pangangailangan tungkol sa ating iba’t ibang interes. Dito, maipadarama rin ang iba’t ibang uri ng pagpapahalaga katulad ng sa pamilya, lipunan, pamamalakad sa pamahalaan, kalikasan, at higit sa lahat sa Poong Maykapal. Susukatin din ng seryeng ito ang ating kakayahang umunawa, mangatwiran, maghusga, magtanong, at

Florante At Laura With English Version

Ang kasaysayan ng Florante at Laura (sa Kaharian ng Albanya) ay masining na daan ni Francisco Balagtas upang ilahad ang mga tunay na pangyayaring sumasalamin sa buhay sa Pilipinas sa mahigit na tatlong siglong pagiging kolonya ng dayuhan. Sa likod ng mga tunay na kuwento ng marubdob na pagsusuyuan at kataksilan ay ang maigting na pakikibaka sa sarili at sa kapwa at “sublimation,” na maiangat ang personal na trahedya, tungo sa maalab na pag-ibig para sa kalayaan ng nagulaming Inang Bayan.

Noli Me Tangere With English Version

Ito ay itinanghal na 2000 National Book Awardee – Pinakamahusay na Pagsalin sa Filipino. Isinulat ‘sa dugo’ ng Pambansang Bayani, ang Noli Me Tangere ay nobelang tumatanglaw sa kalayaan at patuloy na magtatanod nito upang mahinog at ganap na maabot ang mga pangitain ng matibay na haligi ng bayan, si Dr. Jose Rizal, sa Tanging Kaliwanagan.

El Filibusterismo With English Version

Ito rin ay itinanghal na 2000 National Book Awardee – Pinakamahusay na Pagsalin sa Filipino. Ang El Filibusterismo ay ang nobelang isinunod ni Dr. Jose Rizal sa nakatirik na wakas ng naunang Noli Me Tangere, upang patuloy na apuhapin ang lunas ng “kanser sa lipunan” na talamak na. Ito ay isang nobelang pampulitika na inialay ng pambansang bayani sa tatlong paring martir, sina Padre Gomez, Burgos, at Zamora, na tinaguriang GOMBURZA.