PAGLALARAWAN NG SERYE
Ang aklat na ito ay isang serye ng sangguniang aklat na inihanda
para sa mga mag-aaral at guro ng Baitang 7 hanggang 10.
Tinutugunan nito ang mga pangangailangan ng guro at mag-aaral
sa pag-aaral ng mga batayang paksa alinsunod sa kurikulum
ng K to 12. Tinitiyak nito na sa bawat aralin ay nalilinang ang
mga makrong kasanayan na pakikinig, pagsasalita, panonood,
pagbasa, at pagsulat. Lalo pa nitong pinagyaman ang mga
komunikatibong gawain sa pagbasa at gramatika para sa
pagtamo ng layuning malinang ang mapanuring pag-iisip at
mapaunlad ang pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan.
Sa bagong edisyong ito ng aklat ay nagdagdag din ng bahagi
upang matiyak na mapalalawak ang kultural na literasi ng magaaral.
Tiyak na kagigiliwan ng mag-aaral ang mga gawaing
inihanda sapagkat isinaalang-alang ang kaniyang katangian
bilang mag-aaral sa ika-21 siglo.
Ang aklat na ito ay pinamagatang Vinta: Paglalayag sa Wikang
Filipino sapagkat mapagtatanto ng mag-aaral na ang pagkatuto
ay tulad ng isang paglalakbay. May paghahanda bago simulan
ang paglalakbay. May paggalugad ng mga kaalaman kung saan
nangyayari ang pagtuklas, pagsuri, at paglikha ng mga bagong
ideya. Sa dulo ng paglalakbay, may pagninilay-nilay sa mga
natutuhan at sa prosesong pinagdaanan tungo sa pagkatuto.
DETALYADONG PALIWANAG
TUNGKOL SA AKLAT
May-Akda Bb. Mary Grace R. Dino, G. Jesus Joseph D.
Ignacio, Bb. Menere B. Nasiad, Bb. Laniflor B. Adigue,
at G. Efren J. Domingo
Sukat ng Aklat 8.0” x 10.5”
Bilang ng Pahina
Grade 7 - 448
Grade 8 - 336
Grade 9 - 288
Grade 10 - 304
Karapatang-Ari 2023