Vinta: Paglalayag sa Wikang Filipino for Preschool

Paglalarawan Sa Serye

Sinusunod ng aklat na Vinta Paglalayag sa Wikang Filipino para sa Preschool ang Developmentally Appropriate Practices (DAP) habang nagbibigay rin naman ng mga mapanubok na mga tanong at gawain bilang tugon sa iba’t ibang konteksto at komunidad sa ating bansa. Ang kabuuang disenyo nito ay naglalayong palawigin ang karanasan ng bata sa pamamagitan ng instruksiyon para sa iba’t ibang mga kakayahan (bahagi ng intentional teaching). Sinadya ang paglalatag ng masaya at makabuluhang mga karanasan at gawain sa textbook (teachable moments at meaningful learning experiences) para sa bata. Ang pag-uulit (repetition) at pagkakaugnay ng mga gawain (connection at integration) tungo sa mastery ay sinadya sa mga gawain sa aklat. Mula sa Paghahanda (motibasyon at talasalitaan), Paglusong (aralin), Pagsasagwan (wika at pagsasanay), Pagsisid (mga koneksiyon at pagpapalalim) tungo sa Pagdaong (formative assessment), makikita ang daloy ng mga aralin. Hinahamon ng aklat ang guro na magbasa, kumilos, at tumuklas upang makatugon sa mahuhusay na tanong at pagbabahagi ng mga musmos.

Detalyadong Paliwanag Tungkol Sa Aklat
MAY-AKDA

Donna Mae Ponce-
Batnag

SUKAT NG AKLAT 8.0” x 10.5”
BILANG NG PAHINA Nursery - 128
PreKinder - 208
Kinder - 192
KARAPATANG-ARI 2017

 

Gabay Sa Pagtuturo
Textbook Features