Kronika for Elementary School

Paglalarawan Ng Serye

Ang aklat na ito sa Araling Panlipunan ay nakabatay sa MATATAG curriculum ng Kagawaran ng Edukasyon, at nilalayon nitong hubugin ang mga mag-aaral bilang makabansa, mapanuri, at responsableng mamamayan. Nakatuon ito sa pagpapalawak ng pananaw ukol sa lipunan, kultura, kasaysayan, at ugnayang lokal at pandaigdig, gamit ang makabuluhang aralin at pagsasanay. Bukas ito sa multilingguwal na komunikasyon upang pagtibayin ang koneksiyon ng katutubong karanasan sa daigdigang konteksto. Nahahati ang aklat sa apat (4) na yunit na organisado ayon sa mga temang itinakda sa MATATAG curriculum, na bawat isa ay binubuo ng apat hanggang anim na aralin na tumutugon sa mga tiyak na layunin sa pagkatuto.

Detalyadong Paliwanag Tungkol Sa Aklat
MGA MAY-AKDA

Bb. Maria Chrissie S. Reynaldo
Bb. Maria Anabel V. Alvar
Bb. Ersyllen S. Biñas
G. Michael J. Cabrera

SUKAT NG AKLAT 8.0’’ x 10.5’’
BILANG NG PAHINA

Gr. 1 - 288

Gr. 2 - 304

Gr. 3 - 208

Gr. 4 - 288

Gr. 5 - 320

Gr. 6 - 272

TAON NG PAGKAKALATHALA 2024-2026

 

SalesianaBooks Teaching Enhancement Program (STEP)

Kalakip ng mga Aklat na ito ay ang Gabay sa Pagtuturo na makatutulong sa mga guro sa paghahanda ng kanilang aralin. Ang mga gabay na ito ay nagbibigay ang mga mungkahi kung paano matatalakay ang mga aralin, at mga inaasahang sagot sa mga tanong sa pagtalakay.

Teaching and Learning Enhancement Tool (TLET)

Multimedia Resources

Ang mga multimedia resources ay may malaking kahalagahan para sa mga aklat sa Araling Panlipunan habang pinapayaman nito ang karanasan sa pagkatuto sa maraming paraan. Sa pamamagitan ng pagsasama ng mga visual aids, interactive maps, at videos, ginagawang mas nakaeengganyo at madaling ma-access ng mga mag-aaral ang mga paksa sa kasaysayan at kultura. Bukod sa pagtugon sa iba’t ibang istilo ng pagkatuto, pinapahusay rin ng mga ito ang pag-unawa sa pamamagitan ng visual at interactive na pagkatuto, nagbibigay ng mga koneksyon sa pang-araw-araw na pamumuhay, at pinananatiling napapanahon at makabuluhan ang nilalaman.